My Ate Lolek Fave

Laing
Mga Sangkap:
20 piraso ng dahon ng gabi, kasama tangkay,
2 laman ng malalaking niyog
1 tasang mainit na tubig
1 kutsarang mantika
1 kutsarang napitpit na bawang
1/2 tasang natadtad na sibuyas
1 kutsarang napitpit na luya
1/4 kilong baboy (nahiwa ng maliliit)
1/4 tasang "hibe", nababad sa tubig at napatuyo
4 pirasong "green chili pepper", nahihiwa ng maliliit
1/4 tasang alamang
Paraan ng Pagluluto:
Hugasan at patuyuin ang mga dahon ng gabi.
Ihiwalay ang dahon sa tangkay.
Balatan ang tangkay at hiwain ng ng maliliit. Itabi.
Dagdagan ng mainit na tubig ang niyog . Pigaiin ang gata nito. Itabi.
Sa isang palayok, igisa ang bawang, luya at sibuyas. Idagdag ang karne ng baboy at lutuin ng mabuti. Idagdag ang "hibe", "pepper" at alamang kasama na ang tangkay ng gabi. Igisa ang mga ito ng 5 minuto o hanggang medyo luto na. Maglagay ng isang kutsara ng nagisang kasangkapan sa bawat gabi at balutin ito ng pabilog at pahaba. Ilipat sa ibang lutuan at ihalo ang gata ng niyog. Lutuin ito hanggang maging mantika ang sabaw at ang gabi ay luto na.